Experience YourListen.com completely ad free for only $1.99 a month.

Mendiola
00:00
00:00
Embed Code (recommended way)
Embed Code (Iframe alternative)
Please login or signup to use this feature.

Mabuhay ay langit sa sariling bayan
Kung ang sambayanan ay may kalayaan
Umaga ay tula ng kaligayahan
At ang dapithapo'y awit kung pakinggan.
Inang-bayan, bakit may piring ang mata
May busal ang bibig, may takip ang taynga?
May gapos ang kamay ng lumang kadena
Hanap ang paglaya sa daang Mendiola.
Taas ang kamao, tanda ng paglaban
Daan-libong anak pagtutol ang sigaw
Putok ng aramalayt, sagot ng kaaway
Ang akala yata'y uurong ang bayan.
Nagliliwayway na't mapula ang langit
Ang bayang inapi ngayo'y nakatindig
Pakikibaka ay lalong sumisigasig
Sa daang Mendiola, tagumpay ang awit
"

Licence : All Rights Reserved


Similar Music and Audio

X