Experience YourListen.com completely ad free for only $1.99 a month. Upgrade your account today!

Bibigyan Kita Ng Halimbawa Tungkol Sa Si…nasabi sa biblia....

Embed Code (recommended way)
Embed Code (Iframe alternative)
Please login or signup to use this feature.

This was related to my blog site. Link ----> https://keiseeger.wordpress.com/2017/01/11/570/

Parang nagpipigil ako ng pagsasalita ko diyan sa boses ko, dahil hinihinaan ko diyan ang pagsasalita ko.

If you can't follow my speech, I made this for you to read while listening to me....

Bibigyan kita ng halimbawa tungkol sa sinasabi sa Biblia na ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat ng bagay at totoong masama:

Bigyan kita ng halimbawa dun sa literal; halimbawa crush mo, meron kang crush na nasaharap mo, nagkaharap kayo. Oh celebrity crush nalang, koreanong celebrity crush, iyan, iyan ang gusto mo eh, ang magkaharap kayong dalawa ng koreano mong crush. Syempre gustong-gusto mo iyon.

Alok niya sayo hahalikan ka niya, lips to lips. Kaya nga syempre gustong-gusto mo. Pero, gusto niya muna sa umpisa nakapikit ka muna at tsaka kayo maghahalikan. Ididilat mo lang ang mata mo pagkatapos ninyong maghalikan kapag sinabi na niya na idilat mo ang mata mo. Iyon nga, pumayag ka syempre first time eh, na hahalikan ka ng celebrity crush mong koreano.

Edi kilig na kilig ka, gustong-gusto mo, feel na feel mo na kahit wala pa. Iyon nga pumikit kana maghahalikan na kayo, pero biglang umalis yung koreano na iyon at nakipag palit siya sa saksakan ng pangit na maitim ang kutis na lalaki, na parang sinabugan ng granada ang mukha sa pangit. Iyon, edi umalis na muna yung koreano palayo ng konti dun. Talagang sinadya ng koreano na mangyari iyon. Edi iyon, hinalikan kana ng saksakan ng pangit na sabog-sabog. Feel na feel mo gustong-gusto mo na parang mahuhulog na ang panty mo sa sobrang kilig habang naghahalikan kayo.

Pagkatapos ninyo maghalikan, pagkatapos ka sipsipin ni lalaking sabog-sabog, syempre lumapit na yung koreano at sinabing huwag mo muna idilat mo ang mata mo kasi pansin niya na gustong-gusto mo ng biglang idilat ang mata mo, pinigilan ka muna niya kaya sinabi niya iyon baka kasi makita mo si saksakan ng pangit sa harap mo. Iyon umalis na si saksakan ng pangit. At sinabi ng koreano, idilat mo na ang mata mo, edi dinilat mo na. Syempre tuwang-tuwa ka at ngiting-ngit ka. At tinanong ka ng koreano pagkatapos nun kung nagustohan mo ba? Syempre sagot mo gustong-gusto mo. Tinanong ka niya, ulit kung gusto mo pa ng isa pa na naka dilat naman ang mata? Sagot mo, oo, isa pa, kaya tinawag ni koreano si saksakan ng pangit.

Nagulat ka at na pa eew.... kadiri, sabi mo dun. Nagulat ka kung bakit tinawag iyon kaya tinanong mo kung bakit? Sagot ni koreano siya kasi yung kahalikan mo kanina eh, di ba gusto mo pa ng isa? Kaya maghalikan ulit kayo. Syempre hindi ka pumapayag, at hindi ka naniniwala akala mo nag jo-joke lang siya. Kaya pinakita ni koreano yung camera, naka record pala kayo. At nakita mo nga sa video na totoo nga na naghahalikan kayo ni saksakan ng pangit.

Akala mo talaga siya yung koreano. Hindi ka makapaniwala. Gusto mo magalit kay koreano, pero sinabi mo nalang kay koreano na tapalan mo nalang yung kalokohan na ginawa mo sa akin para pambayad sa pambabastos mo sa akin at para mabura yung halik na iyon na naramdaman ko kay sabog-sabog kanina. Kaya sinabi mo kay koreano na halikan mo ngayon ako lips to lips. Pumayag yung koreano na halikan ka, at hinalikan kana niya.

Naghalikan na kayo, kaya lang yung first time na naramdaman mong halik kay saksakan ng pangit na akala mo iyon si koreano, hindi nahigitan ni koreano yung feeling na naramdaman mo kay saksakan ng pangit sa pagaakalang si koreano iyon kanina. Dahil pakiramdam mo na mas feel mo pa o mas masarap sayo, na sa pakiramdam mo yung unang halik kanina na akala mo kay koreano iyon pala kay saksakan ng pangit.

Iyon nga yung sinasabi ko ayon sa Biblia na ang puso ay magdara ng higit. 'yang halimbawa na iyan ay sa literal na halimbawa. Kaya kang dayain ng puso mo, ng isip mo. Iyon rin iyon eh puso at isip kaya kang dayain, kung ano nasa puso mo iyon ang nasa isip mo, mula sa ispiritual sa puso mo papunta sa literal.

Tungkol dun sa koreano akala mo iyon na hindi pala iyon-iyon iba pala ang naramdaman mo kanina dahil sa pag-iisip na siya iyon at first time, pero hindi pala, dun ka nadadaya ng sarili mo. Pero isipin mo pangit iyon ah, at na pa eww.... kapa nung first time mong makita nandiri ka pa, pero nasarapan ka dun ah, nagkaroon ka ng ganong pakiramdam kahit ganon itsura niya, bakit? Dahil nasasayo naman kasi iyon, pangit man o hindi ang lalaki nasasayo iyon kung magkakaroon kang ganong pakiramdam dun.

Feeling mo kasi kapag pogi o cute ay mas masarap, pero hindi, parehas lang iyon ikaw lang ang nag-iisip nun, dinadaya ka lang ng mata mo, spiritually connected iyon sa puso mo na nakikita mo sa literal, huwag kang mamili, wala sa itsura ang tunay na pag-ibig.

Kung mahal mo kasi ang isang tao, kahit ano pa ang itsura nun ay mahal mo. Huwag ka makuha sa good looks, oo, maari biglang nakuha ka sa good looks na tinatawag na love at first sight, pero pwede mo pang pigilan ang sarili mo; dapat kasi kilala mo muna ng lubusan bago ka ma fall in love para hindi ka magsisi sa huli. Dapat taong may takot sa Dios na totoong sumusunod sa Dios dahil yung ganon ang tunay na mabuting tao na mamahalin ka ng totoo kahit ano pa ang itsura mo. Tungkol sa koreano na halimbawa na sinabi ko ayon sa Biblia, lesson to learn iyon para sayo.

Hindi lang iyan ang pwedeng gamiting halimbawa diyan marami pang iba, sa literal palang iyan, iba pa yung halimbawa kapag pang ispiritual na. Heto maiksing halimbawa sa ispiritual; imagination, sa imagination mo maaring nakikipag talik ka o kung ano pa man iyon na pandaraya sa sarili, hindi naman kasi totoo iyon. Pangangalunya na iyon sa isip palang. At dahil sa kaka-isip mo sa mga ganon napapanaginipan mo na at kaya pinasasama ka ng sarili mong puso dahil dun, lalo na yung mga nanonood ng bold, puro green minded iyan. Kaya dapat huwag mag-iisip ng mga ganon, dapat may self-control ka, pigilin mo ang sarili mo sa masama dahil iyon ang ikabubuti mo.

Licence : All Rights Reserved


X