Experience YourListen.com completely ad free for only $1.99 a month.

Upload Cover

KeiSeeger`s Uploads

  • "Metikuloso."
    "Metikuloso." Naturally medyo iniba ko boses ko habang nagsasalita kaya ganiyan yung tono sa pinaka huli naman yung totoong boses ko maririnig. Kung hindi masundan yung sinasabi ko heto basahin nalang habang nakikinig below....: Metikuloso: Sa social media ay maraming delusional. Dapat maging "metikuloso" ka hindi yung mabilis kang maniwala sa mga bagay-bagay na nakikita mo lalo sa panahon ngayon uso na yung editing na hindi mo halata na edit lang, at mas lalo na sa social media. Meron nga nag comment sa Facebook dun sa fan page ng artista tungkol sa artistang pogi sinabi yung ginawa sa kanya na kabutihan, pogi na daw sobrang mabait pa at kakaiba sa lahat ng artista dahil daw sobrang bihira iyon. Eh totoo kaya iyon? Ni-like agad ng marami meaning agree sila dun without a doubt na baka copy paste yung comment or gawa-gawa lang dahil idol nila iyon na parang sinasamba na nila kaya lahat ng pampabango sa idol nila sinasabi nila kahit hindi na totoo, kapag may bashers ang idol nila ay nagiging human shield sila ng taong hindi sila kilala at walang pakialam sa kanila na kunwari mahal sila para nga maging human shield. Kahit sa relihiyon dapat metikuloso ka hindi yung basta ka nalang naniniwala sa nakikita at naririnig mo na porque kaakit-akit yung naririnig mo naniniwala ka agad. Kahit man sa TV hindi naman lahat ng pinapalabas diyan totoo may mga panloloko diyan. Madaling impluwensyahan yung ibang tao dahil hindi sila metikuloso, hindi sigurista madaling ma-convince sa salita lang kahit walang proof at kung hindi ka metikuloso maloloko ka sa mga pekeng proof, kaya nga sabi ko dito sa social media ay maraming delusional.
    KeiSeeger 00:00:00 149 0 Downloads 0 Comments
  • Bibigyan kita ng halimbawa tungkol sa sinasabi sa Biblia....
    Bibigyan kita ng halimbawa tungkol sa sinasabi sa Biblia.... This was related to my blog site. Link ----> https://keiseeger.wordpress.com/2017/01/11/570/ Parang nagpipigil ako ng pagsasalita ko diyan sa boses ko, dahil hinihinaan ko diyan ang pagsasalita ko. If you can't follow my speech, I made this for you to read while listening to me.... Bibigyan kita ng halimbawa tungkol sa sinasabi sa Biblia na ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat ng bagay at totoong masama: Bigyan kita ng halimbawa dun sa literal; halimbawa crush mo, meron kang crush na nasaharap mo, nagkaharap kayo. Oh celebrity crush nalang, koreanong celebrity crush, iyan, iyan ang gusto mo eh, ang magkaharap kayong dalawa ng koreano mong crush. Syempre gustong-gusto mo iyon. Alok niya sayo hahalikan ka niya, lips to lips. Kaya nga syempre gustong-gusto mo. Pero, gusto niya muna sa umpisa nakapikit ka muna at tsaka kayo maghahalikan. Ididilat mo lang ang mata mo pagkatapos ninyong maghalikan kapag sinabi na niya na idilat mo ang mata mo. Iyon nga, pumayag ka syempre first time eh, na hahalikan ka ng celebrity crush mong koreano. Edi kilig na kilig ka, gustong-gusto mo, feel na feel mo na kahit wala pa. Iyon nga pumikit kana maghahalikan na kayo, pero biglang umalis yung koreano na iyon at nakipag palit siya sa saksakan ng pangit na maitim ang kutis na lalaki, na parang sinabugan ng granada ang mukha sa pangit. Iyon, edi umalis na muna yung koreano palayo ng konti dun. Talagang sinadya ng koreano na mangyari iyon. Edi iyon, hinalikan kana ng saksakan ng pangit na sabog-sabog. Feel na feel mo gustong-gusto mo na parang mahuhulog na ang panty mo sa sobrang kilig habang naghahalikan kayo. Pagkatapos ninyo maghalikan, pagkatapos ka sipsipin ni lalaking sabog-sabog, syempre lumapit na yung koreano at sinabing huwag mo muna idilat mo ang mata mo kasi pansin niya na gustong-gusto mo ng biglang idilat ang mata mo, pinigilan ka muna niya kaya sinabi niya iyon baka kasi makita mo si saksakan ng pangit sa harap mo. Iyon umalis na si saksakan ng pangit. At sinabi ng koreano, idilat mo na ang mata mo, edi dinilat mo na. Syempre tuwang-tuwa ka at ngiting-ngit ka. At tinanong ka ng koreano pagkatapos nun kung nagustohan mo ba? Syempre sagot mo gustong-gusto mo. Tinanong ka niya, ulit kung gusto mo pa ng isa pa na naka dilat naman ang mata? Sagot mo, oo, isa pa, kaya tinawag ni koreano si saksakan ng pangit. Nagulat ka at na pa eew.... kadiri, sabi mo dun. Nagulat ka kung bakit tinawag iyon kaya tinanong mo kung bakit? Sagot ni koreano siya kasi yung kahalikan mo kanina eh, di ba gusto mo pa ng isa? Kaya maghalikan ulit kayo. Syempre hindi ka pumapayag, at hindi ka naniniwala akala mo nag jo-joke lang siya. Kaya pinakita ni koreano yung camera, naka record pala kayo. At nakita mo nga sa video na totoo nga na naghahalikan kayo ni saksakan ng pangit. Akala mo talaga siya yung koreano. Hindi ka makapaniwala. Gusto mo magalit kay koreano, pero sinabi mo nalang kay koreano na tapalan mo nalang yung kalokohan na ginawa mo sa akin para pambayad sa pambabastos mo sa akin at para mabura yung halik na iyon na naramdaman ko kay sabog-sabog kanina. Kaya sinabi mo kay koreano na halikan mo ngayon ako lips to lips. Pumayag yung koreano na halikan ka, at hinalikan kana niya. Naghalikan na kayo, kaya lang yung first time na naramdaman mong halik kay saksakan ng pangit na akala mo iyon si koreano, hindi nahigitan ni koreano yung feeling na naramdaman mo kay saksakan ng pangit sa pagaakalang si koreano iyon kanina. Dahil pakiramdam mo na mas feel mo pa o mas masarap sayo, na sa pakiramdam mo yung unang halik kanina na akala mo kay koreano iyon pala kay saksakan ng pangit. Iyon nga yung sinasabi ko ayon sa Biblia na ang puso ay magdara ng higit. 'yang halimbawa na iyan ay sa literal na halimbawa. Kaya kang dayain ng puso mo, ng isip mo. Iyon rin iyon eh puso at isip kaya kang dayain, kung ano nasa puso mo iyon ang nasa isip mo, mula sa ispiritual sa puso mo papunta sa literal. Tungkol dun sa koreano akala mo iyon na hindi pala iyon-iyon iba pala ang naramdaman mo kanina dahil sa pag-iisip na siya iyon at first time, pero hindi pala, dun ka nadadaya ng sarili mo. Pero isipin mo pangit iyon ah, at na pa eww.... kapa nung first time mong makita nandiri ka pa, pero nasarapan ka dun ah, nagkaroon ka ng ganong pakiramdam kahit ganon itsura niya, bakit? Dahil nasasayo naman kasi iyon, pangit man o hindi ang lalaki nasasayo iyon kung magkakaroon kang ganong pakiramdam dun. Feeling mo kasi kapag pogi o cute ay mas masarap, pero hindi, parehas lang iyon ikaw lang ang nag-iisip nun, dinadaya ka lang ng mata mo, spiritually connected iyon sa puso mo na nakikita mo sa literal, huwag kang mamili, wala sa itsura ang tunay na pag-ibig. Kung mahal mo kasi ang isang tao, kahit ano pa ang itsura nun ay mahal mo. Huwag ka makuha sa good looks, oo, maari biglang nakuha ka sa good looks na tinatawag na love at first sight, pero pwede mo pang pigilan ang sarili mo; dapat kasi kilala mo muna ng lubusan bago ka ma fall in love para hindi ka magsisi sa huli. Dapat taong may takot sa Dios na totoong sumusunod sa Dios dahil yung ganon ang tunay na mabuting tao na mamahalin ka ng totoo kahit ano pa ang itsura mo. Tungkol sa koreano na halimbawa na sinabi ko ayon sa Biblia, lesson to learn iyon para sayo. Hindi lang iyan ang pwedeng gamiting halimbawa diyan marami pang iba, sa literal palang iyan, iba pa yung halimbawa kapag pang ispiritual na. Heto maiksing halimbawa sa ispiritual; imagination, sa imagination mo maaring nakikipag talik ka o kung ano pa man iyon na pandaraya sa sarili, hindi naman kasi totoo iyon. Pangangalunya na iyon sa isip palang. At dahil sa kaka-isip mo sa mga ganon napapanaginipan mo na at kaya pinasasama ka ng sarili mong puso dahil dun, lalo na yung mga nanonood ng bold, puro green minded iyan. Kaya dapat huwag mag-iisip ng mga ganon, dapat may self-control ka, pigilin mo ang sarili mo sa masama dahil iyon ang ikabubuti mo.
    KeiSeeger 00:00:00 202 0 Downloads 0 Comments
  • Ang pagkakamali ng iba sa paggamit ng salitang bully........
    Ang pagkakamali ng iba sa paggamit ng salitang bully........ "Ang pagkakamali ng iba sa paggamit ng salitang bully na itinutumbas nila sa biro kung saan mali." Sa panahon ngayon mahilig na ang karamihan sa ibang tao sa pagbabago ng mga termino ng mga salita na kahit mali na sila ginagamit parin, ni hindi pa nga napapansin ng iba na mali sila dahil marami nang gumagawa at gumaya lang sila.
    KeiSeeger 00:00:00 206 0 Downloads 0 Comments
  • Isa sa nakaraang kwento na narinig ko na kasinungalingan....
    Isa sa nakaraang kwento na narinig ko na kasinungalingan.... "Isa sa nakaraang kwento na narinig ko na kasinungalingan tungkol kay dating president Marcos ng Pilipinas." - Maraming mga kasinungalingan ang itinatawid ng ibang mga guro sa mga kabataan na madidiskubre mo nalang sa sarili mo na niloko ka pala ng iba sa dati mong guro, hindi ko naman ni-la-lahat pero may mga ganon talaga, taking advantage iyan ng iba para ma-corrupt ang mga musmus pa o wala pang malay sa mga kaganapan sa mundong ito which may create hatred. - Ferdinand Marcos/Cause of death - Lupus. Achievements of President Ferdinand E. Marcos: https://www.youtube.com/watch?v=kCtnIXwv6ZU 20 YEARS FROM NOW BAGSAK NA ANG PILIPINAS -Ferdinand Marcos,1987: https://www.youtube.com/watch?v=sJyE4uA2RvE
    KeiSeeger 00:00:00 230 0 Downloads 0 Comments
  • New year's resolution
    New year's resolution "New year's resolution." ------------------------ Roma 12:2 (And Dating Biblia) At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. Roma 12:2 (Ang Bagong Ang Biblia) At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. Roma 12:2 (Bagong Magandang Balita Biblia) Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya. Romans 12:2 (Easy-to-Read Version) Don’t change yourselves to be like the people of this world, but let God change you inside with a new way of thinking. Then you will be able to understand and accept what God wants for you. You will be able to know what is good and pleasing to him and what is perfect. Romans 12:2 (Easy English Version) Do not let yourselves be like the people who belong to this world. But instead, let God change how you think. Then you will become new people. You will be able to understand what God wants you to do. You will understand what is good. You will understand what makes God happy. And you will understand how to live completely as God wants you to live. Ecclesiastes 7:29 (Easy-to-Read Version) “There is one other thing I have learned. God made people good, but they have found many ways to be bad.”
    KeiSeeger 00:00:00 904 0 Downloads 0 Comments
  • Sulsol
    Sulsol "Sulsol." --------------- Kawikaan 12:5 (Ang Dating Biblia) Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya. Kawikaan 12:5 (Ang Bagong Ang Biblia) Ang mga iniisip ng matuwid ay makatarungan, ang mga payo ng masama ay kataksilan. Kawikaan 12:6 (Bagong Magandang Balita BIblia) Pumapatay nang lihim ang mga pangungusap ng masama, ngunit ang salita ng matuwid ay nagliligtas sa kapwa. Proverbs 12:5 (Easy-to-Read Version) Good people are honest and fair in all they do, but those who are evil lie and cannot be trusted. Proverbs 12:6 (Easy-to-Read Version) Evil people use their words to hurt others, but the words from good people can save others from danger. Awit 1:1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak. Psalms 1:1 (Easy-to-Read Version) Great blessings belong to those who don’t listen to evil advice, who don’t live like sinners, and who don’t join those who make fun of God. --------------- Ecclesiastes 7:29 (Easy-to-Read Version) “There is one other thing I have learned: God made people good. But people found many ways to be bad.”
    KeiSeeger 00:00:00 1.35 K 0 Downloads 0 Comments
  • Tips para iwas disgrasya tuwing January 1, 12 AM
    Tips para iwas disgrasya tuwing January 1, 12 AM "Tips para iwas disgrasya tuwing January 1, 12 AM." Gawin mo nalang yung sinabi ko kung hindi ka mapigilan na gusto mo talaga maginggay tuwing January 1, 12 AM, pakinggan mo. -------------------------- Roma 12:2 (Ang Dating Biblia) At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. Roma 12:2 (Ang Bagong Ang Biblia) Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos. Roma 12:2 (Bagong Magandang Balita Biblia) Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya. Romans 12:2 (Easy-to-Read Version) Don’t change yourselves to be like the people of this world, but let God change you inside with a new way of thinking. Then you will be able to understand and accept what God wants for you. You will be able to know what is good and pleasing to him and what is perfect.
    KeiSeeger 00:00:00 833 0 Downloads 0 Comments
  • Hayagang pagtatapat tungkol sa tunay na pag-ibig
    Hayagang pagtatapat tungkol sa tunay na pag-ibig "Hayagang pagtatapat tungkol sa tunay na pag-ibig." Link sa picture na tinutukoy ko diyan: http://tinyurl.com/gq3xd74
    KeiSeeger 00:00:00 1.21 K 0 Downloads 0 Comments
  • Tipid tips
    Tipid tips "Tipid tips."
    KeiSeeger 00:00:00 676 0 Downloads 0 Comments
  • Love-life
    Love-life "Love-life"
    KeiSeeger 00:00:00 512 0 Downloads 0 Comments
KeiSeeger
  • KeiSeeger
  • profile viewed 2100 times
  • message share profile
Who to Follow
X