Experience YourListen.com completely ad free for only $4 a month. Upgrade your account today!

Tugon Sa Anyaya

Embed Code (recommended way)
Embed Code (Iframe alternative)
Please login or signup to use this feature.

#172 - from SONGS FOR MOTHER OF LIFE (unpublished) by Arcadio Morada, Jr.
1
Hinirang Mo kami, Panginoon,
Upang ipahayag ang ‘Yong Anak na si Hesus,
At ang salita N’yang nagbibigay buhay.
Tulungan Mo kaming sana’y maging tapat.

Refrain 1:
Tapat sa tungkuling maibahagi ang ‘Yong Salita
Sa buong mundo.

2
Taimtim na hangad at layunin
Ang maisapuso ng bawa’t tao si Hesus.
Kasama ni Maria, kami’y nagdarasal,
Nawa ang pag-ibig sa mundo’y umiral.

KORO:
Kadalasan di Siya Makita
Ng tao sa puso ng kanyang kapwa.
Di pinapansin, kung minsan pa,
Dinudungisan ang ngalan N’ya.
Para pang sinasadyang nililimot
Na ang tao ay tunay N’yang kawangis
At ang pangakong pag-ibig na handog,
Hanggang wakas.

3
Hinirang Mo kami, Panginoon,
Upang luwalhatiin ang ‘Yong Anak na si Hesus.
Sa tulong ng Banal na Espiritung Gabay,
Nawa’y maging tugon kami sa anyaya.
(Ulitin ang KORO.)

Refrain 2:
Sagana ang ani nguni’t kakaunti ang mga
Manggagawa.
(Ulitin 3x)

CODA:
Manggagawa!

Licence : All Rights Reserved


Similar Music and Audio

X